Good Morning, Have a Blessed Day to everyone....what is the meaning of "palaspas" para sa akin at ng karamihan sa mga Christiano sa panahong ito?ang maling konsepto ng paniniwala natin tungkol sa "palaspas" ay ang mga sumusunod;ang pagaakalang ang palaspas ay mabisang pang laban sa masasama kaya nilalagay sa kungsaan-saan panig ng tahanan, makakapag-sagip sa mga sakuna gaya ng kidlat, pang taboy ng mga demonyo, nakapagpapagaling ng may mga sakit. yan ang ilan sa mga Konsepto ng Palaspas sa Buhay ng mga Christiano sa panahong ito.
Ngunit wala namang ibang ibigsabihin o halaga ang mga Palaspas kung hindi ang mga sumusunod: Unang sinisimbolo nito ay ang pananampalataya natin sa Diyos, ang Palaspas Sa umpisa ay sariwa at berde ang Kulay, gaya ng paggunita nating mga kristiano sa "mahal na araw" sumariwa tayo panandalian sa pananampalataya natin sa diyos. Bagamat makalipas ang ilang araw ang Palaspas na Berde ay natutuyot at gayun din naman tayo na natuyot at nakalilimot sa pagsamba at pananampalataya natin sa Kanya. Ang pangalawang sinisimbolo at halaga ng Palaspas para sa ating mga kristiano ay, kapag natuyo na ang mga palaspas, ito'y sinusunog at nagiging Abo na ginagawa namang pamahid sa noo, na nagpapaalala bilang mga kristiano, tayo ay Mula sa Alabok at Babalik ding muli sa Alabok...
Ito ang sermon ng pari nuong araw ng Palaspas last april five, and that time I am really Inspired hearing does sermons of the priest, the mass is held in San. Roque Ruiz, SBMA . Anyway, I just hope that we keep Praising God and have faith in Him kahit na hindi "Mahal na araw", Mahalin natin ang Diyos, na tunay din namang nagmamahal sa atin....
Isipin nalang natin ito. Sino ba tayo para iligtas ni kristo? Importante ba tayong mga makasalanan at tumatalikod sa kanya?Hindi! kung tutuusin, pero he is always there giving us hope and keep Loving and holding on to us that no matter how we disobey Him, He's still there Guiding and remembering us, para naman makasama din tayo sa mga paghaharian nya...kaya Gunitain at alalahanin din po natin sya or to make Loving Him our highest ideal..Amen
1 comment:
Hi vince! Nice post. Salamat sa pagbisita din sa pinkoy :)
Post a Comment